“Ang pakikipagtulungang ito ay isinilang sa parehong hangaring iangat ang iba. Sa pamamagitan ng PlayTime CARES, ipinagpapatuloy namin ang paghahanap ng mga oportunidad kung saan ang aming napagkukunan at kakayahan ay makabibigay nang makahulugang pagsupporta sa ating pambansang layunin sa pag-unlad at sa paanong mapapabago ng mga pribadong institusyon ang pakikipag-ugnayan sa mga pampublikong pagseserbisyo. Ang pakikipagtulungang ito ay isang patunay na kapag ang mga layunin ng mga organisasyon humimok ay nagsama-sama, ang kalalabasan ay agaran at malalim ang epekto sa lipunan. Ang pakikipag-ugnayang ito ay nagsimula sa pagbabahaging pangakong magsilbi. Ang layunin ng PlayTime CARES ay palaging magtayo ng mga tulay sa pagitan ng mga negosyo at pamahalaan, pampublikong paglilingkod at pribadong pagkilos, paglilibang at epekto nito sa bayan. Ipinagmamalaki namin na kami ay kaagapay ng DSWD sa makabuluhang proyektong ito at umaasa kami sa mas maraming oportunidad na magtulungan sa pagsulong ng inklusibo at nakasentro sa mga tao ang pag-unlad.” ~Krizia Cortez, Direktor ng Public Relations ng PlayTime
![]() |
Ang PlayTime, DSWD at mga staff ng Walang Gutom Kitchen ay pumuesto kasama ang mga kandidata ng 2025 Binibining Pilipinas sa Araw ng Kawanggawa o Charity Day. |
Ang iisang paniniwala sa paglilingkod at pagdadamayan ang siyang nagdala nang sabay sa PlayTime at Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o DSWD sa isang initiatibong hindi lamang nagpakain sa mga tao ngunit ito ay nagbigay dignidad, pag-asa at pakikipagkapwa tao.
Sa pagsisimula ng programang “Walang Gutom Kitchen”, mahigit 300 mahihinang indibidual ang pinasilbihan ng mga bagong handang pagkain sa mga komunidad na suportado ng PlayTime at katuwang nitong corporate social responsibility, ang PlayTime CARES. Ang pakikipagtulungan na ito ay sumasalamin sa isang makabuluhang pagkakahanay ng mga makahulugang pag-uugali sa pagitan ng pampublikong paglilingkod at pribadong initiatibo.
Pinangungunahan ng DSWD, ang Walang Gutom Kitchen ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan na maiwasan ang pagbaba nang suplay ng pagkain sa pamamagitan ng tuwirang at maawaing pamamagitan. Para sa pribadong sektor tulad ng PlayTime, mahalagang ihanay ang mga responsibilidad sa lipunan sa pambansang diwang siyang magdadala ng mga mahahalagang usapin at mga isyu sa madla. Isa sa mga pangunahing activation ng programang ito ay sa ilalim ng Binibining Pilipinas sponsorship. Nagtalaga ang PlayTime nang Araw ng Kawanggawa kung saan ang lahat ng mga kandidata ay nakilahok sa mga proyekto ng komunidad. Ito ay nagkaloob nang kakaibang oportunidad na ipakita ang programang Walang Gutom at mas mapalakas pa ang nasabing programa na siyang sisigurado na ang mensahe sa seguridad sa pagkain at pampublikong paglilingkod ay maririnig sa boses, plataporma at presensya ng bawat kandidata na kasapi ng Binibining Pilipinas.
Bagamat ang pakikipagtulungang ito ay nakasentro sa iisang pagdiriwang, ito ay pagbibigay-diin sa potensyal para sa susunod na paghahanay sa hinaharap. Parehong kinikilala nang DSWD at PlayTime ang kahalagahan ng cross-sector engagement at patuloy pa sa pagsisiyasat ng mga paraan para palawakin ang pagtatamang ito maski sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga mobile kitchen, community outreach o scalable advocacy campaigns.
Ang pagtutulungan ito ay nagsisilbing bilang modelo sa kung papaano ang mga kompanya at mga institusyon ay makalilikha ng mga solusyon na parehong may pagdadamayan at may sistema. Sa bansang kung saan ang gutom ay nananatiling isa sa mga matitinding hamon kinakaharap, ipinapamalas ng PlayTime at DSWD na ang responsableng pamumuno ay nangangahulugang nang pagpapakita hindi lamang sa layunin ngunit may istruktura, sukat at bahagi rin sa pananagutan.
No comments:
Post a Comment